?

Log in

No account? Create an account

Previous Entry | Next Entry

Biglaan Monologues

Alam mo yung mga moments na iniisip mo na sana hindi na lang nangyari ang lahat. Sana mauulit mo yung mga buwan, mga linggo, mga araw at minutong wala naman palang pinatunguhan sa huli. Yung mga panahon na sana nasense mo na nuong una masasaktan ka lang sa ending. Kaso malabong mangyari yun.Wala sa hinuha mo na ganun ang magaganap pero sinampal ka na lang ng pagkakataon.
 
Kumbaga sa pelikula, hindi pa nagkakabati yung dalawang bida tinapos na. Kumbaga sa kanta, wala pang chorus itinigil na. Kumbaga sa kuwento, kailangan nang umalis ng tropa mo kasi tapos na break niya kaya hindi mo nalaman kung anong nangyari sa kuwento niya .Walang katapusang pagtatanong kung saan ka nagkamali. Kung bakit ka naiwan sa ere. Pero walang ganun sa script ng buhay.

Kung alam niya siguro na siya lang ang bukod tanging lalaking naghatid sa akin sa bahay na ikinatuwa at ikinakilig ng pamilya ko gagawin niya kaya ito? Kung alam lang niya siguro na hindi ako basta basta sumasama sa kung kani kanino sa Quiapo para mamili ng DVDs na alam ko namang aalikabukin lang sa paper bags kasi ang dami ko pang hindi napapanood kahit agnas na ako magdadalawang isip kaya siya sa mga pinopost sa Facebook? Kung alam lang niya na hanggang kabilang dulo ng mundo yung pagkakilig ko nung hinawakan niya yung hita ko kasi prinoteksyunan niya ako sa nagpupunas ng sapatos sa Recto makukuha kya niyang umastang parang wala siyang nagawa? Kung alam lang niya na hindi talaga ako nagbrebreak sa office at naglalaan talaga ako ng oras kapag nagpiping siya para lang makaramdam ng labinlimang minutong kaligayahan araw araw makukuha pa kaya niya pumunta sa station ko para bumati ng hi? Kung alam lang niya tinago ko pa ang lalagyan ng Mogu Mogu na ininuman namin pareho at malaman na hindi naman ako umiinom ng Mogu Mogu at Magnolia Lifedrink bago nagsimula ang phase namin matitignan pa kaya niya ako sa mata? Kung alam lang niya na nagpapakawitty ako sa mga chat conversations namin para matuwa siya sa akin at marealized niya na pang 10 Day SL ang rating ko magagawa kaya niyang magpost ng declaration of love sa Facebook para sa ibang tao? Kung alam lang niya na sa araw araw na ginawa ng Diyos kailangan kong magpaka Ninja Mode para maibsan ang nararamdaman kong sakit makukuha pa kaya niyang kausapin ako at batiin ng Happy Edsa Day nung February 14? Kung alam lang niyang binibilang ko na ang mga minutong makita ko siya ulit bago ko nalaman ang masaklap na katotohanan makukuha pa kaya niyang magbigay ng bouquet sa ibang tao?

Ang dami kong narinig pagkatapos. Ako lang daw umasa. Wala daw siyang kasalanan.He is so not worth it daw. I deserved someone better cliche.Maganda daw ako. Pati ang buong pamilya ko naging mga tagapayo. Pero di maibsan ang sakit ng tinarak niyang kutsilyo. Bullseye ang ugat ko sa puso.

Well wala namang ibang magagawa kung hindi mag moved on.Kahit kahit isang tuldok ayaw mong umalis sa kinakatayuan ko. Bigla ka na lang nademote bilang special to ordinaryong kaibigan in a span of a few days. Out of nowhere yung akala mong uupuan mong puwesto biglang may nakapwesto na pala. Yung iniisip mong pagsisimba tuwing Linggo ay wala pala sa hinagap niyang mangyari. Nagkaroon pala ng process of elimination tapos luhaan kang uuwi ng hindi mo nalalaman na may naganap pa lang contest e hindi ka naman sumasali. Sana sinampal na lang niya ako nakaya ko pa siguro.

Eto lang ang consolation. At least napracticed ko ulit ang writing skills ko.

Tags:

Comments

( 2 comments — Leave a comment )
jenibaneni
Feb. 23rd, 2011 02:32 pm (UTC)
mare :(

*hugs*
pilikmata_riza
Mar. 13th, 2011 04:20 am (UTC)
Mare!
Feeling ko heartbreak of the century na yan mare pero through God's grace I am somewhat better :) Thanks! Miss you!
( 2 comments — Leave a comment )

Profile

pilikmata_riza
Queen Bee's Page

Latest Month

January 2012
S M T W T F S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031    
Powered by LiveJournal.com
Designed by chasethestars